BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, March 11, 2011

Air Force City

Here's my Filipino informative paper:


Makikita sa puso ng Clark Freeport Zone ang Air Force City. Naging mahalagang lugar ito para sa mga miyembro ng hukbong panghimpapawid noong panahon ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga modipikasyon sa paggagamitan ng pook na ito.

Nagsimula ang Clark bilang isang base ng mga Amerikanong sundalo. Sa kadahilanang ito ay yumabong ang isang siyudad sa loob ng baseng ito. Ang Air Force City sa gayon ay nagsilbing tirahan para sa mga piloto ng hukbong militar.

Sa loob ng maliit na siyudad na ito ay makikita pa rin ang mga lugar at gusali na dating pinapatakbo ng Amerika para sa mga sundalo nito. Ang ilan sa mga gusaling ito ay ang Kelly Theater na itinayo noong 1953 at naghandog ng mga palabas na natunghayan ng mga sundalo noon. Nariyan din ang mga gusali ng mga tirahan at mga opisina ng mga nagsilbi sa militar. Hindi rin mawawala ang mga hospital na nagbigay lunas sa mga sundalong napinsala. Kung papasukin pa ang siyudad ay makikita ang iba’t ibang paaralan noon. Labis na napinsala na ang mga gusaling ito ngayon at ang iba’y nawala na nang tuluyan.

Ngayon, ang siyudad na ito ay naging ng isang pasilidad ng panlibang para sa buong pamilya. Ang malalawak na parang dito ay ipinagtayuan ng mga parke kung saan makikita ang mga “replica” ng iba’t ibang sasakyan at eroplano ng mga sundalo noon.

Ang iba’t ibang gusali naman na dati’y mga opisina, ospital, tirahan ay labis na nasira na ngayon att hindi na maaaring gamitin. Ngunit mayroon pa rin namang mga makasaysayang lugar na maaari pa ring daluhan ng mga turista. Naririto ang Buildings 2425, 2050, 2127, 2125, Old Kelly Theater, at iilang mga gusaling ginawang tindahang “duty free”o mga paaralang pampaliparan gaya ng Clark Polytechnic.

Lahat ng mga modipikasyon sa lugar na ito ay sinimulan ng Clark Development Corporation o CDC. Nais ng organisasyong ito na panatilihin ang kagandahan ng makasaysayang siyudad na ito at palawakin pa ang kayang ihandog nito. Sa ngayon ay marami ng ipinatayong mga bagong paaralan, tindahan, pagawaan, at mga teknikal na gusali ang  korporasyong ito.

Ilang dekada matapos ang digmaan, makikita ang pagbabago sa lugar gaya ng Air Force City sa Clark. Nagbago na ang mga base militar noon ng mga Amerikano at nagsibol ang mga pasilidad na pagmamay- ari na ng mga Pilipino ngayon. Mula sa pagkakasakop ng mga dayuhan ay natamo ng makasaysayang siyudad na ito ang daan tungo sa pag-asenso.


0 comments: